Introduksyon at Panimula Tungkol sa Mental Health
Likha ni: Cali Tiffany Delfin “Noong panahon namin, wala namang mga ganyan, ” Iyan ang katagang madalas nating marinig mula sa mga matatanda kapag nababanggit ang paksang ‘mental health’. Sa tuwing nagkukumpara ang mga may edad na, karaniwang binibigyang diin ang malaking kaibahan sa karanasan nila noon at karanasan ng mga kabataan ngayon. Ayon sa kanilang mga kwento, kung ihahalintulad sa kanilang henerasyon, ang Gen-Z o ang mga taong bahagi ng makabagong panahon, ay higit na walang kapasidad upang harapin ang mga problema sa buhay. At dito nagmula ang mga bansag na “mahina” at “baliw” — na siyang dahilan kung bakit lalong nagdadalawang-isip ang mga kabataan na magbahagi at manghingi ng tulong sa mga tao sa paligid nila. Taong 2020, noong nagsimula ang pandemya at kinailangang manatili ng mga tao sa kani-kanilang tahanan, lalong dumami ang kaso ng mga taong mayroong problema sakanilang mental health. Marami an...
.png)
.png)
.png)