Pagsasagawa ng Interbyu upang Alamin ang Epekto ng Pandemya sa Mental Health ng mga Estudyante ng San Jose

Tagapanayam: Gian Marlo M. Tullao

Editor: Cali Tiffany S. Delfin 

Sa bahaging ito, matatagpuan ang mga karanasan at paghihirap ng mga estudyanteng nasa edad labintatlo (13) hanggang labing-anim (16) noong panahon ng pandemya — ang mga taong itinuturing na ‘panahon ng kadiliman’ at walang ‘katapusang bangungot’. 


Tanong: "Naapektuhan ba ang iyong mental health dahil sa pandemya?"


Estudyante 1:

“Opo. Kung ako’y magiging tapat, ang aking karanasan noong pandemya ay puno ng hamon —  lalo na sa pag-aaral. Naranasan ko pong maghirap dahil sa napakataas na ekspektasyon ng aking mga guro’t magulang, palaging pagkukumpara ng mga seksyon, hindi makatwirang mga deadline, at sobrang bigat na gawain.”


Estudyante 2:

“Opo. Parang hindi na rin naman masyadong matatag o maayos ang aking mental health noong nagsimula ang pandemya.”


Estudyante 3:

Siyempre, naapektuhan din ng pandemya ang aking mental health. Lalo na nung lockdown at halos wala akong makausap. Pero tinatagan ko na lang ang aking loob at ginawang inspirasyon ang mga mahal ko sa buhay.”


Estudyante 4:

Hindi naman po.”


Estudyante 5:

Hindi, masaya buhay ko noon.


Estudyante 6:

Opo, dahil lagi akong nagpupuyat sa kakasagot ng mga modyul. Yung atensyon ko palaging nasa mga dapat sagutan o gawin. Grabe…ni wala akong panahon para sa sarili ko noong 2020 hanggang 2022. Dalawang taon din pala ‘yon…yung hirap at pagod.”


Estudyante 7:

Opo.


Estudyante 8:

Oo, nawala yung social life ko. ‘Di ko alam paano ako babawi nun. Parang ‘di ko alam kung ano yung totoo sa hindi, para akong laging napapaisip kung panaginip ba ‘to o ano.


Estudyante 9:

“Opo, ang daming nasayang na oras at panahon dahil sa COVID-19, ang tagal ko ring nanghinayang.”


Estudyante 10:

“Malaki po ang naging epekto ng pandemya sa aking mental health, lalo na’t namatay ang aking lola sa panahon na ‘to. Kaya doble yung sakit, doble yung hirap. Hindi ko alam paano ako babangon o magsisimula ulit.”


Maoobserbahang halos lahat sa mga estudyanteng aming nakapanayam ay nagkaroon ng kani-kanilang paghihirap noong panahon ng pandemya. Ang iba ay nawalan ng mahal sa buhay, ang iba naman ay masyadong ibinabad ang sarili sa pag-aaral. Ilan lamang ito sa libo-libong karanasan ng mga kabataan sa buong mundo.





Mga Komento